NMP, ASIAN CULTURAL COUNCIL PHILIPPINES, NAGLUNSAD NG PANIBAGONG EKSIBISYON


Inilunsad ng Pambansang Museo ng Pilipinas (NMP) at ngย Asian Cultural Councilย Philippines, katuwang ang DF Art Agency, ang panibagong eksibisyon ni Demi Padua na pinamagatang โ๐๐๐ฒ๐๐ซ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ก๐๐๐จ๐ฐ๐ฌ.โ nitong 12 Agosto.


Tampok dito ang 14 na likhang sining na gumagamit ng ๐๐๐๐๐๐ ๐’๐๐๐๐ technique, kung saan ito ay tila nagiging makatotohanan dahil sa paggamit ng mga ilaw, anino, at optical illusions.



Ang paglulunsad at ribbon-cutting ng eksibisyon ay pinangunahan nina Unang Ginang Liza Araneta Marcos, NMP Board of Trustees Chairman Andoni Aboitiz, NMP Director-General Jeremy Barns, ACC Philippines Foundation Chairman Ernest de Leon Escaler, ACC Global Chairperson Josie Cruz Natori, at Demi Padua.


Bukod sa pagiging selebrasyon ng ika-25 taong anibersaryo ng ACC Philippines Foundation, ang eksibisyong ito ay fundraiser rin para sa ACC Philippines Fellowship Program, na sumusuporta sa mga Pilipinong manlilikha sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad at pandaigdigang kolaborasyon.
Bukas sa publiko ang ๐๐๐ฒ๐๐ซ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ก๐๐๐จ๐ฐ๐ฌ mula ๐๐ ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐๐๐ sa President Sergio Osmeรฑa Hall, 2/F, National Museum of Fine Arts. Bukas ito araw-araw, mula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi. LIBRE ang pagpasok!
#NationalMuseumPH #LayersandShadows #DemiPadua #AsianCulturalCouncilPhilippines










































