The need to protect World War II Shipwrecks in the Philippines

During the Second World War, hundreds of vessels of different types, forms, and functions sank all over the Philippines. The primary combatants were the United States of America and Japan but many other vessels from different countries and crewed by different nationalities were also involved. This wide scale tragic event has led to unimaginable loss of life and property. 

Sunken ships and planes are considered war graves and sacred to many cultures as they serve as memorial for all those who perished in its holds. They are also highly threatened by natural processes and human intervention. Climate change has wreaked havoc on the marine environment, causing destruction to natural and cultural resources. The development of undersea equipment resulting in greater accessibility to deeper wrecks by recreational and technical divers has created an adverse impact on the shipwrecks’ already deteriorating structure. Many WWII shipwrecks have already disappeared after being illegally salvaged for commercial purposes. Others contain ageing, unexploded ordnance as well as fuel oil that, if left unchecked, may create a massive oil spill. Development projects such as the building of bridges also compromise the stability of shipwrecks and its environment.

Despite its fragility and historical significance, these non-renewable, submerged resources have not been subject to proper scientific examination here in the Philippines. M/Y Petrel, in collaboration with the Maritime and Underwater Cultural Heritage Division of the #NationalMuseumPH has relocated and photodocumented WWII shipwrecks in Surigao Strait and Ormoc Bay, but this only comprise a small percentage of the total number of shipwrecks. These vessels possess intrinsic scientific, educational, monetary, and cultural values, thus should be extensively investigated in preparation for a systematic management and monitoring plan. 

Let us protect our World War II shipwrecks!

#MANAMo #WWII #ShipwreckProtection #MaritimeMonday #MuseumFromHome

Poster and text by the Maritime and Underwater Cultural Heritage Division

© 2022 National Museum of the Philippines

Poster photo courtesy of Navigea Ltd. R/V Petrel, 2017

Rice and Corn Week: Filipino Corn Snacks

Rice and Corn Week is observed yearly, from August 29 to September 5, by virtue of Proclamation No. 304, series of 1964 signed by former President Diosdado Macapagal. Last year, the #NationalMuseumPH featured the different agricultural implements used in rice and corn cultivation. This year, we are featuring traditional and contemporary Filipino snacks made of corn!

Corn was originally brought by the Spanish colonizers from Mexico through the Manila-Acapulco galleon trade. Earliest records of corn cultivation date back to the 1700s, when the Spaniards introduced three crops in Cebu: tobacco, cacao, and corn. Although it is not endemic to the Philippines, did you know that corn is the second most important crop in the country? 

According to the Department of Agriculture, about 14 million Filipinos prefer white corn as their main staple, instead of rice, while yellow corn is used to feed livestock. Corn is also processed into cornstarch, corn syrups, oil, gluten, and used as main ingredients for various delicacies.

In Luzon, binatog, is made by boiling the white kernel until they are tender, about to burst open, and when the water starts to thicken. They are then topped with freshly grated coconut, sugar, and/or salt. In Cebu and northern Mindanao, binaki is made from ground yellow corn combined with butter, sugar, baking powder, milk, and cheese. It is wrapped using the innermost layer of the corn husk and is boiled for less than an hour. Binaki is derived from the word ‘baki’, meaning frog, because the said food is wrapped in a folded husk resembling a frog’s leg. Among the Maranao, biyaki is prepared similar to the binaki despite using different ingredients. Instead of corn, ground cassava and young corn kernels are used. It is wrapped in either banana leaf or corn husk.

From north to south, husked or unhusked corn are boiled or steamed and peddled. Street vendors also sell grilled corn on cobs during harvest season. For younger Filipinos, they are more fond of sweet corn in a cup topped with powdered cheese, margarine, and salt, or mais con yelo made from sweet corn and shaved ice with evaporated milk and sugar. In Ilocos, chichacorn or crunchy corn with garlic, barbecue, sweet and spicy flavors is a popular pasalubong. But nothing beats the all-time favorite popcorn, especially to those who missed the cinema during the pandemic.

Food is essential in sustaining and nourishing our lives. We must always remember to not waste food and to appreciate our farmers by valuing their efforts in bringing food onto our tables.

#RiceAndCornWeek2022 #CornSnacks #MuseumFromHome

Text and poster from the NMP Ethnology Division

Photo courtesy of Allan S. Alvarez, CC0 images from Wikimedia Commons

© 2022 National Museum of the Philippines

The Battleground Manila Bay

Sa pagtatapos ng Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto na may temang: “Kasaysayan, Kamalayan, Kaunlaran”, ating balikan ang dalawang pangunahing labanang naganap sa Look ng Maynila. Una, ay ang panimulang sagupaan sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol noong 1898, at ikalawa ay ang labanan ng mga Hapon at pinagsanib na pwersang Pilipino-Amerikano noong 1944.

Ang Look ng Maynila ay isang semi-enclosed na daluyan ng tubig na umaabot sa 190 kilometro. Ang baybaying ito ay sumasakop sa mga lalawigan ng Bataan, Cavite, at Pampanga. Tanyag ang Maynila bilang isang pook-kalakalan para sa mga lokal at pang-rehiyong ugnayan ng Timog-Silangang Asya, bago pa man ang panahong kolonyal noong ika-16 na siglo Common Era (CE). Nang sinakop ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila noong 1571, ito ay naging sentro ng kalakalan at palitang kultural sa pagitan ng Asya, mga Amerika, at Europa sa tulong ng kalakalang galyon ng Manila-Acapulco.

Ang digmaan sa pagitan ng armadang Amerikano sa ilalim ni Commodore George Dewey at ng hukbo ng mga Kastila sa ilalim ni Admiral Patricio Montojo ay naganap noong ika-1 ng Mayo 1898. Napataob at winasak ng plotilya ng Estados Unidos ang pwersa ng Espanya. Kabilang sa mga lumubog at nasirang hukbong-dagat ng mga Kastila ay ang Marquis del Deuro, Isla de Luzon, Don Juan de Austria, Isla de Cuba, General Lezo, at Argos. Nagbigay-daan naman ang tagumpay ni Commodore Dewey sa pagsakop ng Estados Unidos sa Maynila noong 1898.

Sa kabilang dako, ang teatro Pasipiko ng ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula nang salakayin ng mga pilotong Hapon ang mga puwersang Pilipino-Amerikano sa Look ng Maynila, maging ang ibang mga lugar ilang oras lamang pagkatapos ng pag-atake sa Pearl Harbor, Hawaii noong Disyembre 1941. Binomba ng mga Hapon ang mga himpilang isla na nakapalibot sa Look ng Maynila katulad ng Corregidor, Caballo, El Fraile, at Carabao na pumoprotekta sa kabisera ng Pilipinas. Ang umiigting na pagsalakay ng mga Hapon ang nag-udyok sa pagsuko ng sandatahang Pilipino at Amerikano noong 1942. Noong 1944, bumalik ang mga puwersang Amerikano sa ilalim ni Heneral Douglas MacArthur sa Pilipinas at nagpasimula ng walang humpay na pag-atakeng panghimpapawid, pandagat, at pangkatihan mula Enero 1945, at kalaunan ay matagumpay na napalaya ang Corregidor Island, Caballo Island, El Fraile Island, at Carabao Island noong April 1945. Kabilang sa mga lumubog at nasira sa naturang digmaan sa Look ng Maynila ang mga destroyer ng Hapon, IJN Akishimo, IJN Hatsuharu, IJN Satsuki, at ang cruiser IJN Nachi, maging ang USSB-1, USSB-2, USSB-3, at USS Canopus (AS-9) ng Estados Unidos.

#BattleOfManilaBay #Battleground #WWII #MuseumFromHome #NationalMuseumPH

Poster at teksto mula sa Maritime and Underwater Cultural Heritage Division

© 2022 Pambansang Museo ng Pilipinas  

Trowel Tuesday- Kuweba o Yungib sa Sinaunang Kasaysayan ng Pilipinas

Sa pagtatapos ng #BuwanNgWikangPambansa, aming itinatampok ngayong #TrowelTuesday ang kuweba o yungib at ang kahalagahan nito sa arkeolohiya.  

Ang salitang kuweba o kweba (Filipino, na hango sa salitang Español na cueva, ay kasingkahulugan ng yungib (Filipino) o lungib (Bikol Central/Cebuano) na isang natural na lukab o butas sa ilalim ng lupa, o sa gilid ng bangin o burol. Gayundin ang kahulugan ng terminong *liaŋ na nagmula sa pamilya ng mga wikang Proto-Malayo-Polynesian. Ang liyang na malawakan ang paggamit sa mga isla sa Timog-Silangang Asya at Pasipiko ay binibigkas sa Pilipinas bilang liyāŋ (Isneg), liyáŋ (Bontok), liyaŋ (Batad sa Ifugao at Manobo sa Kanlurang Bukidnon), at liaŋ (Maranao).   

Malaki ang ginampanan at malawak ang naging sakop ng mga kuweba sa sinaunang kasaysayan ng tao. Sa pag-usbong ng mga ninuno ng sinaunang tao halos tatlong milyong taon na ang lumipas hanggang sa mga nagdaang siglo, ang mga yungib, batong kanlungan, at umbok ng bato ay naging lubos na kapaki-pakinabang. Ang mga ito ay nagsilbi nilang tirahan, himlayan, at pook-panseremonya ayon sa arkeologong si Wilfredo Ronquillo sa kanyang sanaysay noong 1995.

Sa Callao Cave Complex sa Lambak ng Cagayan, nahukay ang 67,000-taong mga labi ng isang bagong tuklas na uri ng tao—ang Homo luzonensis, mga fossil ng tatlong bagong tuklas na endemikong sarihay ng buot o daga na namuhay hanggang 4,000–2,000 taong nakalipas, pati na rin ang 3,500-taong rock art

Sa Tabon Cave Complex sa Quezon, Palawan naman nakita ang tinatayang 47,000-taong labi ng Homo sapiens na pinakamatanda sa bansa, lithics o mga kagamitang bato, at ang mayamang tradisyon ng paglilibing sa banga na may kasamang palayok, mga kagamitang yari sa metal at kabibe, at mga palamuting bubog at bato. Mga palayok-panlibing na antropomorpiko (mala-tao) naman na may detalyadong disenyo ang nadatnan ng mga arkeologo sa Yungib Ayub sa Sarangani. 

Mahalagang pangalagaan ang mga kuweba, hindi lamang para sa mga kasalukuyang anyong-buhay na sumasalalay sa mga ito, kundi para rin sa hinaharap, at nakalipas na maaari pang mabunyag sa pananaliksik sa mga ito.

#Yungib 
#Kuweba
#MuseumFromHome
#NationalMuseumPH

Teksto mula kay Marian Reyes. Mga poster likha ni Timothy James Vitales | NMP Archaeology Division

© 2022 Pambansang Museo ng Pilipinas

Araw ng mga Bayani

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani, itinatampok namin ang likha ng printmaker na si Leonilo O. Doloricon (1957-2021) mula sa National Fine Arts Collection na pinamagatang “Pwersa sa Produksyon A/P” (1995). 

Ang likhang “Pwersa sa Produksyon A/P” ay isang print na ginawa sa pamamagitan ng rubbercut na nilikha ni Doloricon noong 1995. Ang “A/P” sa dulo ng pamagat ay nangangahulugang “Artist’s Proof” na ginagamit ng mga printmaker bilang isang working trial at limitado lamang ang bilang nito sa bawat edisyon ng print. 

Makikita sa likhang ito ang imahe ng mga tinaguriang bayani sa makabagong panahon na patuloy sa paghubog ng kasaysayan para sa isang malayang Pilipinas. Sila ang pwersa ng produksyon sa bansa na binubuo ng mga manggagawa sa iba’t ibang industriya tulad ng agrikultura, agham, teknolohiya, produksyon, at iba pa. 

Noong 2017 ay nagkaroon si Doloricon ng eksibisyon sa National Museum of Fine Arts kung saan itinampok niya ang limampung (50) limited edition prints na kumakatawan sa mga likha niya simula 1987 gamit ang iba’t ibang proseso ng printmaking tulad ng woodblock, linocut, rubbercut at lithograph. Kasama sa mga itinampok na print ang “Pwersa sa Produksyon A/P” (1995). Lahat ng limampung print na nasa eksibisyon ay ipinagkaloob ni Doloricon sa Pambansang Museo bilang “Gift to the Nation”.

Si Leonilo “Neil” O. Doloricon (1957-2021) ay ipinanganak noong Disyembre 1, 1957, sa Esperanza, Agusan del Sur. Siya ay isang pintor, printmaker, editorial cartoonist, propesor at social critic. Isa siya sa mga naging haligi ng social realism sa sining biswal sa bansa na nagtatampok ng mga likha na patungkol sa kalagayang panlipunan. Noong 1976, kasama siya sa mga bumuo ng Kaisahan, isang grupo ng mga social realists sa bansa. Isa din siya sa mga bumuo sa Concerned Artists of the Philippines noong 1983 at tumayong lider nito mula 2017 hanggang 2021. Naging editorial cartoonist din siya para sa pahayagang The Manila Times at Malaya Business Insights. Bukod dito, naging guro siya sa College of Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas at nagsilbing dekano nito mula 1998 hanggang 2001.

Bilang isang visual artist, lumahok siya sa maraming eksibisyong pansining sa bansa at maging sa labas tulad sa siyudad ng Berlin, Moscow, New York, Kuala Lumpur, Tokyo at San Diego. Noong 1990, natanggap niya ang CCP Gawad para sa Sining Biswal at Thirteen Artists Award mula sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. 

Pumanaw si Propesor Doloricon kamakailan lamang noong ika-16 ng Hulyo 2021.

Tunghayan ang obrang ito sa inyong pagbisita sa National Museum of Fine Arts! Bukas ang ating museo mula Martes hanggang Linggo, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang website ng Pambansang Museo sa www.nationalmuseum.gov.ph. Maari nyo ring makita ang birtwal na eksibisyon sa link na https://www.nationalmuseum.gov.ph/nmfa360/HTML5/NMFA360.html

Nagbibigay-pugay ang inyong Pambansang Museo ng Pilipinas sa lahat ng mga bayani ng bayan. Isang makahulugang padiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani sa lahat!

#NeilDoloricon
#ArawngmgaBayani
#NationalHeroesDay
#NationalMuseumPH

Teksto mula sa NMP-FAD

Litrato kuha ni Bengy Toda

© National Museum of the Philippines (2022)

Art Stroll Sunday Feature – “Ilocos Caravan” (1974)

Ngayong #ArtStrollSunday ay tampok namin para sa inyo ang “Ilocos Caravan” (1974) ni Hugo Yonzon Jr., mula sa Philippine Center New York Collection (PCNY)!

Ang likhang sining na ito naglalarawan ng tradisyonal na karwahe o karitela na hinihila ng kalabaw at may dalang iba’t-ibang katutubong produkto na gawa mula sa lalawigan ng hilagang Luzon. Ang mga mangangalakal, karaniwang isang pamilya na naninirahan rin sa karitela, ay palipat-lipat na naglalako sa mga lugar na lulan ang mga produkto na yari sa rattan at kawayan na mga buslo, kabinet, upuan, kuna, duyan, sombrero, walis, at iba pa. Ang pamilya ng mga nagtitinda ay karaniwang tumatagal ng ilang buwan sa paglalako na binabagtas ang lansangan mula sa hilagang lalawigan hanggang makarating sa Maynila upang ibenta ang kanilang mga paninda. Ang tradisyonal na mobile tindahan na ito ay halos hindi na nakikita sa mga lansangan ngayon.  Madalas ang mga namimili ay nagtitingin na lamang ng mga paninda mula sa mga online store.

Nagtapos si Yonzon sa University of the Philippines School of Fine Arts noong 1947. Sa simula, nagtrabaho siya bilang isang ilustrador, kartunista, at litratista para sa iba’t ibang mga proyekto sa advertising. Nakilala siya bilang isang modernong post-war artist na ang interes ay maglarawan ng mga pang araw-araw na pamumuhay at kulturang Pilipino sa iba’t ibang istilo at pamamaraan. Idinaos niya ang kaniyang unang solong eksibisyon sa Solidaridad Gallery noong 1971. Kabilang sa kaniyang mga namumukod-tanging gawa ang 21-talampakan na likhang-sining para sa Philippine Pavilion sa New York World’s Fair noong 1964. Noong 1977 naman ay binuo niya ang Tuesday Portrait Club kasama sina Cesar Legaspi, Onib Olmedo, at limang iba pang alagad ng sining. 

Ang Ilocos Caravan ay bahagi ng Philippine Center New York Collection. Ito ay kasalukuyang naka eksibit sa Gallery XXVII-XXVIII, ika-apat na palapag ng Pambansang Museo ng Sining.

Maaaring tingnan ang 360 digri virtual tour ng PCNY Core Collection of 1974: A Homecoming Exhibition sa link na ito:  https://www.nationalmuseum.gov.ph/pcny360/HTML5/pcny360.html

#ArtStrollSunday
#HugoYonzonJr
#MuseumFromHome
#BuwanNgWika
#NationalMuseumPH

Teksto at larawan mula sa NMP FAD

© 2022 Pambansang Museo ng Pilipinas