Special Exhibition Hall

Isang espesyal na pagtatanghal ang nasa bulwangang ito, “Remembering Fernando Amorsolo on his 50th death anniversary.” Tampok sa pagtatanghal na ito ang 11 na mga ipinintang larawan ng Pambansang Alagad ng Sining na si Fernando Amorsolo mula sa koleksyon ng Philippine Normal University (PNU), National Fine Arts Collection (NFAC), at Government Service Insurance System (GSIS) na dati nang itinanghal sa GSIS Northeast Hall ng National Museum of Fine Arts. Kasama rin ang dalawang natatanging mga ipinintang larawan ng kaniyang nakababatang kapatid na si Pablo Amorsolo (1898-1945) mula sa NFAC.

Ipinakita sa publiko sa unang pagkakataon at ang mga pangunahing tampok ng pagtatanghal na ito, ang dalawang obra ni Amorsolo mula sa koleksyon ng Philippine Normal University na pinamagatang, “Mother and Child” at “Paoay Church”. Ipinakita rin ang dalawang serye ng Via Crucis studies ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal na si Jeremias Elizalde-Navarro (1924–1999). Ang dalawang hanay ng mga pag-aaral na ito—isang pen at ink, at graphite at ink wash sa illustration board, ay natapos noong 1973.


Inside this hall is a special exhibition, “Remembering Fernando Amorsolo on his 50th death anniversary.” This gallery features 11 oil paintings of National Artist Fernando Amorsolo from the collection of the Philippine Normal University (PNU), the National Fine Arts Collection (NFAC), and the Government Service Insurance System (GSIS), which the paintings previously exhibited at the GSIS Northeast Hall of NMFA. Also included are the two rare oil paintings of his younger brother, Pablo Amorsolo (1898-1945), from the NFAC.

Shown to the public for the first time and the main highlights of this exhibition are the two masterpieces of Amorsolo from the collection of the Philippine Normal University entitled “Mother and Child” and “Paoay Church.” Also exhibited are the two sets of Via Crucis studies by National Artist (NA) for Visual Arts Jeremias Elizalde-Navarro (1924–1999). These two sets of studies—one on pen and ink, and the other, graphite and ink wash on illustration board, were completed in 1973.