TUKLASIN ANG ANI, ANG PINAKABAGONG EKSIBISYON SA NATIONAL MUSEUM OF NATURAL HISTORY!


Sa palatuntunan kahapon, 29 Agosto, opisyal ng binuksan ang ANI: Our Assets, Natural Heritage, and Cultural Identity. Pinasinayaan ito nina Deputy Director-General for Administration Atty. Ma. Rosenne M. Flores-Avila, Acting Deputy Director-General for Museums Arvin Manuel Villalon at dating patnugot ng Pambansang Museo, Bb. Gemma Cruz Araneta.

Kalahok sa tampok na ito ang mga artistang kasapi ng Philippine Botanical Art Society, sa pamumuno ni Gng. Bing Famoso Tac-an, gayundin si Bb. Jhaydee Ann Pascual at buong Botany and National Herbarium Division. Ang eksibisyong ito ang naglalayong bigyang buhay sa pamamagitan ng sining ang mga ani na makikita sa Pilipinas.

Tuklasin ang kamangha-manghang kuwento ng ating mga pagkaing halaman, mula sa ating pinakamamahal na mga pananim hanggang sa mga ligaw na halaman na lubos na nakaugat sa ating kultura.

Bukás ang ANI: Our Assets, Natural Heritage, and Cultural Identity sa Gallery XII ng National Museum of Natural History mula Lunes hanggang Linggo, 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.