MGA BATONG MULA SA KALAWAKAN, PINAKABAGONG HANDOG SA BAYAN


Sa pagdiriwang ng 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐩𝐚𝐜𝐞 𝐖𝐞𝐞𝐤, ikinagagalak naming ibalita na ang anim sa pitong meteorite o bulalato ng Pilipinas ay nasa Pambansang Museo na!
Noong ika-5 ng Agosto, opisyal nang naidagdag sa Pambansang Koleksyon ang mga piraso ng 𝐏𝐚𝐦𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚 (𝐏𝐚𝐦𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚, 𝟏𝟖𝟓𝟗), 𝐏𝐚𝐢𝐭𝐚𝐧 (𝐈𝐥𝐨𝐜𝐨𝐬 𝐒𝐮𝐫, 𝟏𝟗𝟏𝟎), at 𝐏𝐨𝐧𝐠𝐠𝐨 (𝐐𝐮𝐢𝐫𝐢𝐧𝐨, 𝟐𝟎𝟐𝟐) 𝐦𝐞𝐭𝐞𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞𝐬—ang una, ikalawa, at pinakabagong nasaksihan at naitalang bulalato sa bansa.

Ang Pampanga at Paitan ay handog ng 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐌𝐞𝐭𝐞𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐓𝐞𝐚𝐦, na kinabibilangan nina Melvin Lam, Mar Christian Cruz, Abraham Catiis, at Allen Yu. Samantala, ang mga ilang piraso ng Ponggo ay ibinahagi ni G. Cruz mula sa kanyang personal na koleksyon. Ang tatlong bulalato na ito ay maisasama na sa hanay ng Pantar, Bondoc, at Orconuma meteorites na kasalukuyang nakatanghal sa Philippine Meteorites Exhibition sa National Museum of Natural History.



Dagdag pa rito, nakatanggap din ang Pambansang Museo ng bagong ispesimen ng Orconuma mula kay G. Cruz, piraso ng Pantar mula kay G. Catiis, at bahagi ng Nantan meteorite ng Tsina mula naman kay G. Lam.
Sa parehong okasyon, iprinesenta rin ang mga kamakailang donasyon sa Museo tulad ng:
- Kumpletong representasyon ng mga 𝐭𝐞𝐤𝐭𝐢𝐭𝐞 o taeng bituin na nabuo mula sa Australasian Impact Event—isang cosmic impact na pinaniniwalaang naganap sa rehiyon ng Timog-silangang Asya mga 788,000 taon na ang nakalipas, mula kay G. Aubrey Whymark, at
- Isang 21-gramong 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐡𝐰𝐞𝐬𝐭 𝐀𝐟𝐫𝐢𝐜𝐚 𝟏𝟏𝟐𝟕𝟑 𝐦𝐞𝐭𝐞𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 na nagmula pa sa ating Buwan (lunar meteorite) at iba pang bihirang mga ispesimen, gaya ng 𝐌𝐨𝐥𝐝𝐚𝐯𝐢𝐭𝐞, 𝐋𝐢𝐛𝐲𝐚𝐧 𝐃𝐞𝐬𝐞𝐫𝐭 𝐆𝐥𝐚𝐬𝐬, at 𝐮𝐯𝐚𝐫𝐨𝐯𝐢𝐭𝐞 o kung tawagin ay 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐚𝐥𝐞𝐬 𝐉𝐚𝐝𝐞, mula kay G. David Herskowitz.


Bagaman simpleng mga bato sa unang tingin, ang mga bagong bahaging ito ng ating Pambansang Koleksyon ay mga tagapagsalaysay ng mahabang kasaysayan ng sangkalawakan—mga piraso ng kalawakan at daigdig na nag-uugnay sa agham, kultura, at ating imahinasyon.
#NationalMuseumPH #PhilippineSpaceWeek #YamangKalawakan #meteorite #tektite


